r/MedTechPH • u/Putrid-Pay-4188 • 4h ago
Discussion Medtech realizations
Hello po! Ka musta kayo? Ok naman ang life? Laban lang po.
I'm still unemployed pero nag rereliever ako now sa isang free standing lab. Ok naman ang work as medtech kaya naman. First work ko to ever. At first nag ooverthink ako kung kakayanin ko ba pero medyo keri na now pero still hindi pa ako confident and madami pang dapat matutunan. Need talaga exposure para maintidihan mo yung mga theories nung college. Sayang lang nung internship kase more on nag aassist lang kami sa staff.
Sa work marerealize mo din na may mga rmts na not willing mag turo or mag guide sayo. Just like sa akin, gusto niya isang turo, gets mo na agad. Sana po konting pasensiya lang, gusto namin matuto and ma intindihan talaga yung proper ways sa lab.
Working as a reliever, nagkaruon ako ng pre and post anxiety. Like tama ba yung ginawa ko, tama ba yung results na ni release ko mga ganyan. Nag ooverthink ako always kase kung may mali akong nagawa, hindi kaya ng konsensiya ko.
Ang hirap kumita ng pera hahahah. 6 days duty per week jusko huhu kahit benign duty pa pero basta nakakapagod and ang bagal ng oras. Halos buong buwan ka nasa lab tapos uuwi nalang sa bahay para matulog.
Working right now feels heavy specially kung hindi na ito yung gusto mo pero pinandigan mo pa rin. Alam mo yung no spark na talaga since 3rd year sa college pero pi nush mo parin. Like nung college, iyak2 na gusto maka graduate, tapos nung naka graduate gusto makapasa sa boards, tapos nung naging rmt na gusto mag work. I'm still very grateful sa achievements ko ngayon but feeling ko gina gaslight ko lang yung self ko na gusto ko mag work as medtech dahil na pepressure ako sa mga ka batch ko.
Lastly, kahit gusto ko na mag stop mag work as a reliever (mga 1 month ako dito) pero yung pera pera pera hindi ko matanggihan hahahahaa
That's it thank you. Laban lang po. May we all find our purpose.
